Sto. Tomas de Villanueva, OSA

Sto. Tomas de Villanueva, OSA
Palagiang Novena kay Santo Tomas de Villanueva

Saturday, December 31, 2011

ENERO 1, UMPISA NG PAGLILINGKOD NI SANTO TOMAS BILANG OBISPO, UMPISA NG BAGONG PAGNINILAY KAY SANTO TOMAS DE VILLANUEVA


Bagaman hindi kalooban ni Santo Tomas de Villanueva na matanghal na obispo, tinanggap niya ito dahil sa kanyang pagiging masunurin lalo na sa Santa Iglesia. Ibig ni Santo Tomas na manatiling prayle na ang pangunahing gawain ay manalangin at pagnilayan ang Salita ng Diyos. Gayun pa man, nang dumating ang kautusan na siya ang mamumuno sa Sambayanan ng Diyos sa Valencia bilang obispo iginugol niya ang mga sandali sa pananalangin upang matanggap niya ang pagtatakda sa kanya mula sa insperasyon ng panalangin. Hindi naman biro ang haharapin niya bilang obispo. Isa itong bagong buhay na may napakalaking reponsibilidad na idudugtong sa kanya. Minabuti niya na makipagusap sa Panginoon upang pagliwanagan ang daan niyang tatahakin, na lahat ng ipagkakaloob sa kanyang panunungkulan ay maiayon niya sa kalooban ng Panginoon. 

Nang ganap na umpisan na niya ang kanyang pamumuno bilang obispo, naging impeksyon siya na humahawa sa iba. Ang kabanalang nananalaytay sa kanya ay agad na nadama ng iba at walang ibang kinahinatnan kundi ang pagbabago tungo sa kabanalan ng lahat ng makatunghay sa kanya.


Sunday, May 22, 2011

PAGDATING NG RELIC NI SANTO TOMAS DE VILLANUEVA SA PAROKYA

May 14, 2001. Araw ng kapistahan ni San Matias. Ganap na ika-12:30 ng tanghali ng umalis sa Santolan ang grupo ng mga parokyanong kukuha sa relic ni Santo Tomas de Villanueva sa Mother of Good Counsel Monastry, San Jose Del Monte, Bulacan. Pagdating sa kumbento ng mga madreng Agustina, idinaos ang isang para-liturhiya sa loob ng kapilya. Kapiling ng mga madre ang mga parokyano sa pagdarasal ng Palagiang Novena ni Santo Tomas de Villanueva sa harap ng kanyang relic na naka-adorno sa altar. Matapos ang mga panalangin at pagkuha ng mga larawan, agad na ring binaybay ng grupo pabalik ang Santolan, kung saan duon naman nag-iintay ang isang prusisyon ng pagtanggap sa relikiya ng banal na patron.

Sa Katipunan area nakadama ng matinding traffic ang grupo ng may dala ng relic. Napagkasunduan na na hindi na ipapasok ng mga kapilya ang relic sapagkat kapos na sa oras. Dahil sa hindi umuusad na sasakyan sa Marcos Hi-way, kinuha na lamang ang relic gamit ang motor mula sa van na nagdala sa kanya. Agad namang nakarating ang relic sa prusisyon at naipasok ng maluwalhati ang relic ni Santo Tomas de Villanueva sa parokya.

Ang pagbabalik ng relic sa parokya ang siyang hudyat ng pag-uumpisa ng Banal na Misa na pinangunahan naman ni Most Rev. Teodoro Bacani D.D.

Matapos ang Banal na Misa naman ginanap ang pagpapahalik sa relic ni Santo Tomas de Villanueva.

COMMENTS:

Tunay ngang naging matiwasay at makabuluhan ang pagpasok ni Santo Tomas de Villanueva sa kaisa-isang parokya niya sa Luzon. Handa na ba ang ating mga puso na patuluyin si Santo Tomas de Villanueva upang maging pamamarisan ng tunay na kabanalan?