Sto. Tomas de Villanueva, OSA

Sto. Tomas de Villanueva, OSA
Palagiang Novena kay Santo Tomas de Villanueva

Thursday, May 30, 2013

PADRE LUPO DUMANDAN DEBOTO NG BANAL NA PUSO NI HESUS.


PADRE LUPO DUMANDAN DEBOTO NG BANAL NA PUSO NI HESUS.

Si Padre Lupo ang ika-lawang Santoleno na naging paring Katoliko. Liban sa pagiging deboto kay Santo Tomas de Villanueva, siya ay deboto rin ng Banal na Puso ni Hesus. Binaggit niya ito sa kanyang Testamento at patunay nito ang puntod niya na niluklukan ng batong imahen ng Banal na Puso ni Hesus na hanggang sa kasalukuyan ay nasa patio ng parokya sa Santolan. Ang buhay niya na itinalaga sa Banal na Puso ay kawangis ng Puso ni Hesus. Isang buhay na nag-aalab para sa Diyos, sa Simbahan, sa barrio, sa kapwa at sa lahat ng mananampalataya.

Ang kanyang buhay ay mababasa ninyo sa ilulunsad na Souvenir Book ng Parokya kaugnay ng pagdiriwang ng ika-60 ng parokya ngayong taon. Isa siyang banal na pari na pinabanal ng Mahal na Puso ni Hesus. Tularan natin ang kanyang debosyon at pagtatalaga ng sarili sa Panginoon.

Mayo 31 - Kapistahan ng Pagdalaw ni Maria kay Santa Elizabeth


Pagnilayan natin ang bahaging ito ng sermon ni Santo Tomas de Villanueva tungkol sa kapistahan ngayon ang Visitasyon > Pagdalaw ni Maria sa kanyang pinsang si Santa Elizabeth. Pinagnilayan din ni Santo Tomas de Villanueva ang Papuring Awit ni Maria na kilala natin bilang Magnificat. Sinabi ni Santo Tomas na ang kadakilaan ni Maria ay dahil sa paglingap ng Diyos sa kanyang kalagayan at ang paggagawad sa kanya ng tungkulin upang maging Ina ng Diyos.

Tuesday, May 21, 2013


Si Kristo ang ating kapayapaan...
Kahit na hikahos at tila ba munting biyaya ang natatamasa ay maaaring gamitin upang marating ang Diyos...

Monday, May 20, 2013


Pagkilala sa sarili... ito ang tema ng sermon ni Santo Tomas de Villanueva sa araw na ito mula sa koleksyon ng kanyang mga homiliya. Ito sa kanya ay daan ng pagkakatuklas sa Diyos na nananahan sa ating sarili. Alalahanin natin na tayo ay biyaya ng Diyos. Sa kanya tayo nagmula. Mabuting hindi natin malimutan ang reyalidad na ito. Ang ating ugnayan sa kanya.

Saturday, May 18, 2013


Sa mga pangungusap na ito tinatalakay ni Santo Tomas de Villanueva ang hiwaga ng Pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga alagad at sa Mahal na Birhen. Sa Pagpanaog niya nagsimula ang pagbabago sa kalooban ng mga alagad na natakot sa mga naganap noong makita nilang nagdusa ang Panginoon. Sa pagpanaog niya sa kanila nagsimula ang Simbahan ni Kristo sa Sanlibutan.

Friday, May 17, 2013

ANG BUHAY AT LARAWAN NI SANTO TOMAS DE VILLANUEVA

Hindi bahagi si Santo Tomas de Villanueva sa mga tanyag na santo ng Santa Iglesia Katolika. Marami ang hindi nakakakilala sa kanya at sa kanyang kabanalan. Bagaman tanyag siya sa Orden ni San Agustin kung saan itinanghal siyang Patron ng Pag-aaral. Sa Pilipinas maraming parokya ang nakapangalan sa kanya sa gawing Bisayas. Sa Luzon, mayroon naman siyang mga kapilya. Sa Bayan ng Pasig, siya naman ay pintakasi sa barangay Santolan.

Bagaman 215 taon nang patron si Santo Tomas de Villanueva sa Santolan, marami sa mga kasulukuyang mananampalataya ang hindi nakakakilala sa kabanalan ni Santo Tomas de Villanueva. Alam ang kanyang pangalan ngunit hindi kilala ang kanyang naging buhay. Lingid sa kaalamanan ng marami ang mga larawan na katha ng mga deboto ni Santo Tomas na nagpapakita ng kanyang buhay at ala-ala. Ngayon sa pamamagitan ng larawan, ating bagtasin ang buhay at kabanalan ni Santo Tomas de Villanueva. Sa saliw ng mga himno at awit ating pagnilayan ang buhay ng banal na Arsobispo ng Valentia.

http://youtu.be/DskqmyoJzIQ

MAY 17 - SERMON OF STO. TOMAS DE VILLANUEVA


Pantay-pantay ang biyaya ng Diyos. Yan ang pinatutunguhan ng mga salita ni Santo Tomas de Villanueva. Kahit na ang iba ay tila ba higit na tumatanggap ng biyaya di tulad ng sa iyo, ang dapat ay lumago ka sa pagmamahal para sa kapwa. Sa gayun nagiging pantay ang lahat. Huwag mong problemahin kung papano magbigay ng pagpapala ang Diyos. Ang intindihin mo ay huwag magkaroon ng inggit. Kung anumang higit mayroon ang iba, mayroon ka rin nito sa pamamagitan ng pag-ibig.