Sto. Tomas de Villanueva, OSA
Thursday, May 30, 2013
PADRE LUPO DUMANDAN DEBOTO NG BANAL NA PUSO NI HESUS.
PADRE LUPO DUMANDAN DEBOTO NG BANAL NA PUSO NI HESUS.
Si Padre Lupo ang ika-lawang Santoleno na naging paring Katoliko. Liban sa pagiging deboto kay Santo Tomas de Villanueva, siya ay deboto rin ng Banal na Puso ni Hesus. Binaggit niya ito sa kanyang Testamento at patunay nito ang puntod niya na niluklukan ng batong imahen ng Banal na Puso ni Hesus na hanggang sa kasalukuyan ay nasa patio ng parokya sa Santolan. Ang buhay niya na itinalaga sa Banal na Puso ay kawangis ng Puso ni Hesus. Isang buhay na nag-aalab para sa Diyos, sa Simbahan, sa barrio, sa kapwa at sa lahat ng mananampalataya.
Ang kanyang buhay ay mababasa ninyo sa ilulunsad na Souvenir Book ng Parokya kaugnay ng pagdiriwang ng ika-60 ng parokya ngayong taon. Isa siyang banal na pari na pinabanal ng Mahal na Puso ni Hesus. Tularan natin ang kanyang debosyon at pagtatalaga ng sarili sa Panginoon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
the way of writing about this blog is awesome!!!Sakit.info
ReplyDelete