Sto. Tomas de Villanueva, OSA

Sto. Tomas de Villanueva, OSA
Palagiang Novena kay Santo Tomas de Villanueva

Thursday, October 28, 2010

LITANYA KAY SANTO TOMÁS DE VILLANUEVA

LITANYA KAY SANTO TOMÁS DE VILLANUEVA


Maaaring dasalin ito matapos ang chaplet. Kung ang chaplet ay kasunod ng nobena, dasalin na lamang ito sa loob ng nobena upang huwag magpaulit-ulit.

N.: Panginoon, maawa ka sa amin.

B.: Panginoon, maawa ka sa amin.

N.: Kristo, maawa ka sa amin.

B.: Kristo, maawa ka sa amin.

N.: Panginoon, maawa ka sa amin.

B.: Panginoon, maawa ka sa amin.

N.: Panginoon, pakinggan mo kami.


Kristo, pakapakinggan mo kami.

B.: Panginoon, maawa ka sa amin.

Santo Tomás de Villanueva.


Ipanalangin mo kami.

Santong lubhang maawain.


Ipanalangin mo kami.


Santong lubos ang karunungan sa Diyos.


Ipanalangin mo kami.


Santong maaalalahanin sa nangangailangan.


Ipanalangin mo kami.


Santong makatarungan.


Ipanalangin mo kami.


Santong mapagpagaling.


Ipanalangin mo kami.


Santong mapaglimos.


Ipanalangin mo kami.


Santong mababang-loob.


Ipanalangin mo kami.


Santong tagapagtanggol ng Santa Iglesya.


Ipanalangin mo kami.


Santong mapaghimala.


Ipanalangin mo kami.


Sa oras ng panalangin.


Mamagitan ka sa amin.


Sa oras ng kahirapan.


Mamagitan ka sa amin.


Sa oras ng panganib.


Mamagitan ka sa amin.


Sa oras ng matinding pangangailangan.


Mamagitan ka sa amin.


Sa oras ng kapahiyaan.


Mamagitan ka sa amin.


Sa sandali ng tukso.


Mamagitan ka sa amin.


Sa sandali ng pagdududa sa pananampalataya.


Mamagitan ka sa amin.


Sa panganib ng kasalanan.


Mamagitan ko sa amin.


Sa bingit ng kamatayan.


Mamagitan ka sa amin.

N.: Ipanalangin mo kami, O, maluwalhating Santo Tomás de Villanueva.

B.: Nang kami’y marapat na makinabang sa mga pagako ni Jesucristong ating Panginoon.

MANALANGIN TAYO:

Diyos Amang makapangyarihan, hinirang mo ang mahal mong obispong si Santo Tomás de Villanueva, upang maging pamamarisan ng tunay na pagmamahal sa kapwa. Itinurong mong mahalin ka sa pamamagitan ng pagkalinga sa pinakamaliliit naming mga kapatid na buong kabanalanan namang isinabuhay ni Santo Tomás de Villanueva. Nawa sa pamamagitan ng kanyang mga biyaya, ipagkaloob mo sa amin ang kahilingang ito ______________________.

Inaasam ko pong ito’y ipagkaloob mo kung ito’y naaayon sa Iyong banal na kalooban at sa tunay na ikabubuti ng aking kapwa at ng aking pananampalataya. Amen.

No comments:

Post a Comment