Sto. Tomas de Villanueva, OSA

Sto. Tomas de Villanueva, OSA
Palagiang Novena kay Santo Tomas de Villanueva

Friday, October 29, 2010

RITO NG PAGTATALAGA SA TAHANAN NG IMAHEN NI SANTO TOMAS DE VILLANUEVA

Hangad ng bagong kura paroko na makapaglagay ng mga imahen ni Santo Tomas de Villanueva sa mga tahanan ng mga parokyano. Ang Ritong ito ng Pagluluklok ng imahen ni Santo Tomas de Villanueva ay mainam na gabay sa panalangin sa pagbabasbas at pagtatalaga sa mga tahanan ng naturang imahen. Inihahanda nito ang pamilyang tatanggap ng imahen upang mahalin, gamiting instrumento ng panalangin at magsilbing ala-ala ng presensya ng ating mahal na patron, Sto. Tomas de Villanueva ang imaheng babasbasan at ilalagak sa bawat altar ng tahanan. 

RITO NG PAGTATALAGA SA TAHANAN NG IMAHEN NI SANTO TOMAS DE VILLANUEVA


I. PAGLALAKAK NG IMAHEN SA TAHANAN




II. RITO NG PAGBABASBAS NG IMAHEN NI SANTO TOMAS DE VILLANUEVA






III. PANALANGIN:


Namumuno: Bilang magkakapatid, sama-sama nating sambahin ang Panginoon, kasama ng ating patron, Santo Tomas de Villanueva: Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.


Lahat: Amen!


PAMBUNGAD NA PANALANGIN


Makapangyarihan at walang hanggang Ama, sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Jesus, isugo Mo ang Iyong Espiritu upang buksan ang aming mga mata, isipan at puso sa pagtanggap ng nais Mong ipahayag sa amin. Pinupuri at pinasasalamatan Ka naming dahil sa pagmamahal, awa at habag na iniukol Mo sa amin. Pinupuri at pinasasalamatan Ka namin para sa lahat ng ibinigay Mo sa amin.


Patawarin Mo kami sa aming mga pagkakasala sa Iyo at sa aming kapwa. Patawarin Mo kami sa aming pagmamalabis at mga pagkukulang. Inilalahad naming sa Iyo ang aming mga kahilingan na inaasahan naming Iyong pakikinggan. Batid Mo ang aming mga pangangailangan, Panginoon, kaya ipinauubaya namin ang lahat sa Iyong mga kamay. Gawin Mo kaming higit na kahawig Mo sa isip, sa pananalita, at sa gawa. Tulungan Mo kami para mauhaw kami sa Iyong Salita, maging masigasig sa pagtuklas ng Iyong ipinahahayag at nang buong katapatan namin itong maisabuhay. Hinihiling naming ito sa Ngalan ni Jesucristo. Amen.


IV. SUSUNDAN NG ROSARYO NI SANTO TOMAS DE VILLANUEVA






V. LITANYA NI SANTO TOMAS DE VILLANUEVA (OPSIYONAL)






VI. PANALANGIN SA PAGTANGGAP


O Mahal na patron, Santo Tomas de Villanueva, kami sa angkang ________________ ay buong pusong tumatanggap sa Iyong mahal na imahen sa aming tahanan. Kami’y nagagalak at nagpapasalamat dahil kami’y napabibilang sa mga pinili mong tumanggap sa imaheng ito, bilang tanda ng Iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa amin.


Palagi ka na naming makakasama sa aming tahanan at ang iyong imahen ay magiging tagapagpaalaala sa amin na magpasalamat sa mga biyayang natanggap mula sa Panginoon sa tulong Mo.


Marami pang biyaya ang nais Mong ibigay sa amin at inaasahan naming matanggap lalung-lalo na ang . . . (banggitin ang kahilingan) habang araw-araw, sama-sama kaming luluhod sa Iyong harapan at magdarasal sa iyong karangalan na pinagninilayan ang Iyong kabanalan at matimyas na pagmamahal sa mga higit na nangangailangan. Ipinangangako naming, sa pagdating Mo sa aming tahanan matularan nawa namin ang iyong mga halimbawa ng pagpapahalaga sa pananampalataya, sa ikabubuti ng aming kapwa at ng aming kaluluwa. O mahal na patron, Santo Tomas de Villanueva, tulungan Mo kami upang matutuhan naming mahalin nang higit pa si Jesus, sa bawat sandali ng iyong pananahan sa aming piling hanggang sa pagdating ng aming takdang araw na kami’y ihahatid mo nang buong lugod sa Iyong kinaroroonan. Amen.


Namumuno: Ipanalangin mo kami, O, Maluwalhating Santo Tomas de Villanueva;


Bayan: Nang kami’y maging marapat magtamo ng mga pangako ni Jesucristong ating Panginoon.


Lahat: PAKINGGAN MO ANG AMING PANALANGIN SA GITNA NG AMING MGA PANGANGAILANGAN AT IADYA MO KAMI SA LAHAT NG PANGANIB, O MALUWALHATI AT KAMAHAL-MAHALANG PATRON, SANTO TOMAS DE VILLANUEVA. AMEN!


Wakasan sa Ang tanda ng Krus.



No comments:

Post a Comment