Enero 14, 1545 matapos na simulan ni Santo Tomas de Villanueva ang panunungkulan bilang Arsobispo ng Valentia, una sa lahat, agad-agad na ginawa niya, na bisitahin ang mga parokya ng kanyang Diyosesis. Tinatawag nating "Pastoral Visit", kapag ang obispo ay nagtutungo sa kanyang mga nasasakupan upang alamin ang kalalagayan nito. Hindi naging maganda ang resulta ng mga natagpuan niyang problema ng Diyosesis. Nakita ni Santo Tomas ang mga problema tulad ng mga isyu sa kaparian at sa liturhiya, at iba pa. Nasabi niya tuloy sa katulong na Obispo, Juan Segrian, na ang kanyang Diyosesis ay nasasadlak sa maraming problema. Ang pinaka malaking hakbang na ginawa ni Santo Tomas ay ang pagtataguyod ng Sinodo ng Valentia. Dito inayos niya ang mga nakitang kakulangan at kalabisan sa Diyosesis.
Ating mapagtatanto na tunay ngang si Sto. Tomas ay REPORMISTA, yan ang isa sa mga bansag sa kanya. Hindi lahat nagustuhan ang mga pagbabago lalo na yung mga tinamaan ng sinisimulang pagsasaayos; pero pinanindigan ni Santo Tomas ang buyo ng Espiritu Santo ang daang patungo sa kaayusan at kabanalan. Mahalaga ang ginawa ni Santo Tomas na sa mahabang panahon na walang Obispo ang Valentia, pinadama agad niya ang presensya niya sa Diyosesis. Naging masipag siya at mapag-aruga. Hindi ako magtataka kung bakit tatawagin siyang Modelo ng mga Obispo. Hindi nga niya pangarap na maging obispo, at gusto niya na mababa ng pwesto, pero hindi niya dinaya ang sarili at ang Bayan ng Diyos. Sa panahong iyon ginampanan niya ang dapat niyang gawin bilang Ama ng Diyosesis ng Valentia.
PAGNILAYAN NATIN ANG BAHAGING ITO NG BUHAY NI SANTO TOMAS DE VILLANUEVA AT TULARAN NATIN ANG MABUBUTI NIYANG HALIMBAWA.
No comments:
Post a Comment