September 18.—ST. THOMAS OF VILLANOVA.
ST. THOMAS, the glory of the Spanish Church in the sixteenth century, was born in 1488.
A thirst for the science of the Saints led him to enter the house of the Austin Friars at Salamanca.
Charles V. listened to him an oracle, and appointed him Archbishop of Valencia.
On being led to his throne in church, he pushed the silken cushions aside, and with tears kissed the ground.
His first visit was to the prison; the sum with which the chapter presented him for his palace was devoted to the public hospital. As a child he had given his meal to the poor, and two thirds of his episcopal revenues were now annually spent in alms. He daily fed five hundred needy persons, brought up himself the orphans of the city, and sheltered the neglected foundlings with a mother's care.
During his eleven years’ episcopate not one poor maiden was married without an alms from the Saint. Spurred by his example, the rich and the selfish became liberal and generous;
and when, on the Nativity of Our Lady, 1555, St. Thomas came to die, he was well-nigh the only poor man in his see.
Reflection.—"Answer me, O sinner!" St. Thomas would say, "what can you purchase with your money better or more necessary than the redemption of your sins?"
Lives of the Saints, by Alban Butler, Benziger Bros. ed. [1894], at sacred-texts.com
BR. WYNCE REFLECTION:
Its na old story with a twist. Yan ang decription ko sa Alban Butler article na ito on the life of Santo Tomas de Villanueva. Maganda ang mga points na inilagay niya. Ngayon ko lang din nabasa. Sure na ilalagay ko ito sa talambuhay ni Santo Tomas.
Unang napuna ko ay yung date kung saan niya inilagay ang article. Ito ang petsa ng lumang kapistahan ni Santo Tomas sa Santolan. Ito kasi ang blessing ng chapel ng Santolan. Ang September 18, kay Santo Tomas ang itinakdang petsa ni Papa Paulo V para sa kanyang memorial noong siya'y gawing beato. Kaya talagang kapistahan niya ito. Nabago na lamang ito noong gawin na siyang Santo at itinakda ang kapistahan niya tuwing Setyembre 22.
Ikalawa ay:
A thirst for the science of the Saints led him to enter the house of the Augustinian Friars at Salamanca.
Sa statement na ito sinasabing ang pagsasaliksik at paghahangad ni Santo Tomas ng karunungan ang naging sanhi ng kanyang pagkakatuklas sa Diyos. Ang salitang ginamit ni Alban ay pagkauhaw sa karunungan na naghatid sa kanya upang matuklasan ang Diyos. Ito naman talaga ang isa sa mga goals ng education. Nilalayon nitong hanapin ang Diyos. Yan ang nakita ni Santo Tomas sa kanyang quest for knowledge.
Ika-t'lo ay:
On being led to his throne in church, he pushed the silken cushions aside, and with tears kissed the ground.
Ang diskrisyon din ni Alban sa humility ni Santo Tomas noong siya'y itanghal na obispo ay bago sa aking patuloy na pagsasaliksik. Sinabi niya na humalik siya sa lupa. Tunay na tanda ng kanyang pagpapakumbaba sa bagong takda na kanyang haharapin sa buhay. Lingkod si Santo Tomas at dito niya ibig na umpisan ang kanyang serbisyo sa Diyos. May pusong mababang loob, mapagpakumbaba. Mainam na nakatapak sa lupa, upang madama ang mga karaniwang tao na kanyang paglilingkuran. Mabuting mababang loob, upang hindi maligaw sa patutunguhan ang kanyang pamumuno.
Ang ika-apat:
During his eleven years’ episcopate not one poor maiden was married without an alms from the Saint. Spurred by his example, the rich and the selfish became liberal and generous;
Ganun-ganun na lamang ang pagmamahal ni Santo Tomas sa kababaihan kaya ibig niyang itaas ang kalidad ng kanilang estado sa buhay. Problema ang dote noong panahong iyon lalo na sa mga mahihirap. Kaya naman ang bulsa ni Santo Tomas ay maagap sa mga mahihirap na kababaihan upang bayaran ang dote sa kasal. Sabi nga ni Alban, sa loob ng 11 taong paglilingkod bilang Arsobispo, walang sinomang mahirap na dalaga ang ikakasal na walang dote. Ginawa naman nitong kanyang halimbawa ang mga mayayaman at maramot sa lipunan na magbalik-loob. Unti-unti silang naging bukas at bukas-palad.
Tunay na maraming mabubuting birtud na matututunan tayo kay Santo Tomas de Villanueva. Patuloy nawa nating pag-aralan ang kanyang mga halimbawa. Isang buhay na daan patungo sa kalangitan.
Amen.
Br. Winston S. Victorino
2012
No comments:
Post a Comment