Sto. Tomas de Villanueva, OSA

Sto. Tomas de Villanueva, OSA
Palagiang Novena kay Santo Tomas de Villanueva

Saturday, September 18, 2010

ANG MGA SANTO PAPA SA BUHAY NI SANTO TOMAS DE VILLANUEVA

Si Papa Pablo III ang nangumbinsi kasama si Haring Carlos V kay Santo Tomas de Villanueva upang tanggapin ang pagiging Arsobispo ng Valencia. Ito ay sa kabila ng pagtanggi ni Santo Tomas na tanggapin ang Sede ng Granada. Ayaw niyang mataas ng pwesto, bagkus ay manatiling Agustino hanggang wakas ng kanyang buhay. Ngunit nangibabaw kay Santo Tomas ang sinumpaang pagiging masunurin lalo na sa ulo ng simbahan, ang Santo Papa. Sa pag-ako ni Santo Tomas sa alok na ito natutunan natin sa kanyang buhay ang pinakamahahalagang halimbawa na kahit na itinaas sa kapangyarihan para mamuno, higit na ginawa niya ang lahat ng paraang posible na mapaglingkuran ang kapwa. Dahil pa dito siya ay tinawag na Modelo ng mga Obispo dahil sa kanyang kahusayan sa kanyang tungkulin.

Si Papa Pablo V naman ang nag-biyatifica kay Santo Tomas de Villanueva Oktubre 7, 1618. Siya ang nagtakda na gunitain ang kabanalan ni Santo Tomas tuwing ika-18 ng Setyembre. Dito tinawag siyang Manglilimos, Ama ng mga Dukha at Modelo ng mga Obispo.




Si Papa Alejandro VII ang nag kanonisa kay Santo Tomas de Villanueva o naglagay sa kanya sa talaan ng mga banal ng simbahan. Naganap ito noong Nobyembre 1, 1658, at itinakda ang kanyang kapistahan tuwing ika-22 ng Setyembre. 












 Ito ang simbahang ipinatayo ni Papa Alejandro VII sa Castel San Gandolfo sa Roma isang taon matabos i-kanonisa si Santo Tomas de Villanueva. Ala-ala ito ng kanyang debosyon sa kanya.







Si Papa Juan Pablo II naman ang nagpasimula ng rebisyon sa talaan ng mga banal o yung tinatawag na Roman Martyrology. Dito, may mga santong inalis na sa listahan at mayroon din namang nadagdag. Inayos din dito ang mga kapistahan, isa na  dito ang kapistahan ni Santo Tomas de Villanueva. Sa 2001 release ng 3rd edition ng Roman Martyrology nakatala ang kapistahan ni Santo Tomas tuwing ika 8 ng Setyembre na siyang kamatayan ni Santo Tomas.


Matapos i-anunsyo ni Papa Benito XVI noong huling misa para sa World Youth Day - Agosto 2011, sa Madrid ang pagbibilang kay San Juan Avila na ika-34 na Doktor ng Simbahan, inilathala naman ng Heswitang si Giandomenico Mucci ang mga susunod na itatanghal bilang Doktor ng Santa Iglesia. Kabilang sa talaan ng 12 santong lalaki si Santo Tomas de Villanueva. Ipanalangin nating sa ating "life time" sa panunungkulan ng Santo Papa, Benito XVI at sa nalalapit na panahon ay maigawad ang nararapat na pamagat na ito sa ating pinipintakasi na tunay namang nagbahagi ng kanyang mga inspirasyon mula sa Espiritu Santo tungo sa kasaganahan ng buhay Kristiyano at pagtuturo ng natatanging daan patungo sa kaluwalhatian.  

No comments:

Post a Comment