Sto. Tomas de Villanueva, OSA
Friday, September 17, 2010
MALAKING PAGMAMAHAL NI SANTO TOMAS DE VILLANUEVA SA MGA MAHIHIRAP NA ESTUDYANTE
Ang angking katalinuhan ni Santo Tomas de Villanueva ay nagisnan sa pagpasok niya sa Unibersidad ng Alcala de Henarez. Matapos ang kurso, agad siyang tinaggal na guro sa unibersidad. Nang maging paring Agustino nakilala ding mahusay na orador sa Espanya at sa kaharian ni Haring Carlos V. Nang siya naman ay maging Arsobispo ng Valencia, nagpatayo siya ng paaralan tulad ng Nuestra Senora de la Presentacion. Tumulong din siyang ipaayos ang Alcala de Henarez at higit sa mga ito ang pagtanggap sa unang pagkakataon sa mga maralita para makadanas na mag aral sa Unibersidad ng Valencia. Isang mabuting proyekto ng banal na Arsobispo na naglalagay sa mga mararalitang estudyante sa ekwalidad sa mga nakakaangat sa buhay. Na sa edukasyon ang lahat ay pinagpapantay. Ito ang mga kabutihan ni Santo Tomas. Tunay na marapat siyang modelo para sa atin sa pag-aaral at pagpapahalaga sa edukasyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment