Sto. Tomas de Villanueva, OSA

Sto. Tomas de Villanueva, OSA
Palagiang Novena kay Santo Tomas de Villanueva

Thursday, September 16, 2010

PABORITO NI SAN ALFONSO MARIA DE LIGOURI SI SANTO TOMAS DE VILLANUEVA

Walang derektang makapagpapatunay na paborito ngang talaga ni San Alfonso Maria de Ligouri si Santo Tomas de Villanueva. Ngunit mahalaga sa kanyang mga akda at aral ni Santo Tomas kaya ilang ulit din niya ito binabanggit sa kanyang mga katha.

San Alfonso Maria de Ligouri

Si San Alfonso Maria de Ligouri ang Spiritual na Ama ng mga Redemptorista. Sa Pilipinas, sila ang tagapangalaga sa Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran.

Novena sa Ina ng Laging Saklolo na tanyag sa Pilipinas

Narito ang ilang mga pahayag ni San Alfonso habang sinisipi si Santo Tomas de Villanueva.



Dito sa mga pambungad ni San Alfonso sa kanyang mga homiliya sinipi niya si Santo Tomas de Villanueva dahil sa kanyang kilalang kahusayan sa pagbibigay ng mga sermon noong siya'y nabubuhay pa. Bagaman tumanggi si Santo Tomas de Villanueva na ilathala ang kanyang mga sermon noon, ito naman ay napagsama-sama at naipa-emprenta matapos siyang mamatay. Ang husay ni Santo Tomas ang posibleng dahilan ng pagpapangalan sa kanya ni San Alfonso. Malaking impluwensya siya sa kanyang mga tagapakinig. Hawak ni Santo Tomas ang masigasing na biyaya ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos na nakapupukaw ng damdamin at kaluluwa na makita ang kaluwalhatian.


Narito naman ang isa pang sipi ni San Alfonso kay Santo Tomas sa kanyang pagpapahayag tungkol sa Mahal na Birheng Maria.





Si Santo Tomas de Villanueva ay kilalang deboto ng Mahal na Birheng Maria at gumawa ng koleksyon ng mga sermon tungkol sa kanya. Kaya naman kay San Alfonso, hindi maaaring hindi mabanggit ang santong ito na modelo ng pagmamahal kay Maria.


Larawan ni Santo Tomas na nagpapakita ng kanyang debosyon sa Mahal na Birhen
Nakakatuwang isipin na kapwa parehong santo sila at kinokomplementa ni San Alfonso ang mga salita ni Santo Tomas. Matutunan nawa natin sa dalawang santong ito ang higit pang mahahalagang aral ng kabanalan. Si San Alfonso na Doktor ng Simbahan at si Santo Tomas na halos mapabilang na sa talaang iyon ng mga dakilang banal ng Santa Iglesya. Nawa ang kanilang mga katalinuhan ay maging daan natin upang mapanhik ang kaharian ng langit.

No comments:

Post a Comment