Sa dokumentong ito ng Santo Papa Pio XI, itinampok na banggitin ng ulo ng Simbahang Katolika ang isa sa mga aral ni Santo Tomas de Villanueva tungkol sa buhay pagpapari. Mahalagang maunawaan dito na ang kanyang mga aral ay binigyang pahalaga ng Banal na Papa, sapat na para sabihing tunay na katangi-tangi ang kanyang mga aral at halimbawa. |
Si Santo Tomas de Villanueva ay partikular sa paghuhubog ng mga ibig maging pari sapagkat sa kanyang buhay ilang pagkakataon siyang pinagkalooban ng mga klawstro na kanyang papatnubayan. Ginabayan niya ang mga semenarista sa kanilang landas patungo sa pagpapari. Ganito rin ang ginawa niya sa Velencia ng siya ay Arsobispo na. Agad niyang binuo ang Unang Sinodo ng Valencia kung saan isa sa mga naging pagkilos ni Santo Tomas ang pagsasaayos ng paghuhubog sa mga kaparian sa kanyang Diyosesis. Kaya naman sa pagkakataong ito na binaggit siya ng Santo Papa Pio XI sa kanyang Ensiklikong Liham na tumatalakay sa paghuhubog ng kaparian, ito'y marapat lamang dahil sa kanyang hindi matatawarang karanasan sa paghuhubog ng mga ibig mag pari. |
No comments:
Post a Comment