Sa aking paghahanap kasagutan kung nagkamali ba tayo, narito ang aking natuklasan:
1. Noong biniyatifica si Santo Tomas de Villanueva (ito yung proseso patungo sa pagiging SANTO) ni Papa Paulo V itinalaga niya ang MEMORIAL (pag-gunita/aala-ala) sa kanya tuwing ika-18 ng Setyembre. Walang kaugnayan sa buhay ni Santo Tomas ang petsang ito. Ibig sabihin hindi niya ito birthday o kamatayan, 'di kaya, hindi rin ito ang panahon ng pagiging obispo niya. wala talaga itong kaugnayan sa kanyang buhay. Ito ay petsang sa kapangyarihan ng Banal na Papa sa Roma ay maaari niyang itatag at duon pahalagahan ang santong isinama sa talaan ng mga mapapalad sa langit. Muli ang ika-18 ng Setyembre ay memorial ni Santo Tomas noong beato pa siya, tandaan nating hindi na siya BEATO ngayon, SANTO na siya at may itinakda nang kapistahan niya si Papa Alejandro VII, ang ika-22 ng Setyembre.
Si Papa Paulo V, ang nag-biyatifica kay Santo Tomas at nagtakda ng ika-18 ng Setyembre bilang pag-aala-ala. |
2. Sa Santolan noong Setyembre 18, 1808 naman itinalaga ang ikalawang estraktura ng KAPILYA ng barrio. Ito na rin ang naging kapistahan ng Santolan mula pa man noon. Nabago na lamang ito ng lubos nang si Padre Ganzon na ang kura ng Santolan. Madiin niyang itinuro na ang tunay na kapistahan ng banal na patron ay tuwing ika-22 ng Setyembre.
Ang matandang Kapilya ng Santolan. Nakatayo ito sa parehong lokasyon ngayon ng Parokya. |
Ito ang dalawang sa kasalukuyan ay lumulutang na significansya ng Setyembre 18; ang memorial bilang beato ni Santo Tomas at ang pagbabasbas sa KAPILYA.
KAYA KUNG ITO ANG FIESTA MO, ITO RIN ANG IPINAGDIRIWANG MO.
Mahirap na kalimutan ang tradisyong nakagawian ngunit hindi masamang itama ang likong tradisyon kung halos wala naman na ito kaugnayan sa modernong tao at mananampalataya. Hindi tayo tinatawag sa isang pananampalatayang matigas ang ulo at hindi kumikilala sa kapangyarihan ng simbahan. Anu pa't ang mga kapistahan ay sa simbahan at sa atin bilang bahagi nito. Nawa mas higit pa tayong matuto sa ating mga karanasan at lumago ng tuluyan. Huwag nang pairalin ang mali bagkus ay magkaisa sa wasto at tama.
No comments:
Post a Comment